Nagpasabog ng panibagong kontrobersiya si Senator Robin Padilla matapos niyang pormal na manawagan sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na i-demonetize o hindi na tanggapin bilang legal tender ang lahat ng ₱1000 bills na inilabas mula 2020 hanggang 2025.
“Kung gusto nating mahuli ang mga nagtatago ng pera at kumikita sa korapsyon, kailangan nating paikutin ang pera. I-demonetize ang ₱1000 mula 2020 hanggang 2025 para mapilitang lumabas ang mga nakatagong yaman.” -Sen. Robin Padilla
Ayon sa senador, ito raw ang isa sa pinakamabisang paraan para matigil ang malawakang pagtatago ng pera na umano’y kaugnay ng korapsyon sa ilalim ng Marcos administration.
Sa kanyang panukala, iginiit ni Padilla na marami umanong opisyal at pribadong indibidwal ang nag-iimbak ng malalaking halaga ng ₱1000 bills upang maiwasang ma-trace ang pinagmulan ng pera. Kapag ginawa ang demonetization, mapipilitan daw ang mga nagtatago ng pera na lumabas at magpapalit ng kanilang hawak na salapi na maaaring mauwi sa pagkatuklas ng mga ilegal na yaman.
Mabilis na umani ng suporta at kritisismo ang panawagan ni Sen. Robin Padilla. Para sa ilan, masyadong agresibo ang hakbang; para sa iba, ito ang unang konkretong ideya para matigil ang malakihang korapsyon.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento