Nagkakainitan na ang usapin sa Kamara matapos ihayag ni House Public Accounts Committee Chairperson Cong. Terry Ridon na posibleng masampahan ng ethics complaint si Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste kaugnay ng umano’y illegal acquisition ng mga dokumentong nagmula sa yumaong DPWH Undersecretary Maria Catalina Cabral.
“Kung totoo ang ulat na sapilitan ang pagkuha ng mga dokumento at digital files mula sa opisina ni Usec. Cabral, hindi natin puwedeng palampasin iyon. May pananagutan ang kongresista, at bukas po kami sa pagsasampa ng isang ethics complaint laban kay Cong. Leandro Leviste.” -Cong. Terry Ridon
Ayon sa ulat ilang kawani ng DPWH ang nagsabing nasugatan at nagdugo si Usec. Cabral matapos umanong sapilitang agawin ni Leviste ang mga hawak nitong dokumento. Bukod dito, inaksyunan din ni Leviste ang umano’y paggamit at pagkopya ng digital files mula sa isang DPWH computer na ayon sa mga staff, ay walang anumang pahintulot.
Para kay Ridon, hindi maliit na bagay ang alegasyon. Ito raw ay posibleng paglabag hindi lang sa ethical conduct ng isang mambabatas, kundi pati sa integrity at proseso ng paghawak sa mga opisyal na papeles ng gobyerno.
Lalo pang sumisidhi ang kontrobersiya sa likod ng “Cabral Files” habang nakatutok ang mata ng publiko sa posibleng pagharap ni Cong. Leandro Leviste sa ethics investigation. Kung mapapatunayan ang mga alegasyon, haharap siya hindi lang sa political fallout, kundi pati sa posibleng parusang internal ng Kamara.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento