Naglabas ng matapang at diretsahang pahayag si Vice President Sara Duterte matapos lumabas ang pinakabagong Pulse Asia survey na muling nagpakita ng malaking agwat sa public trust sa pagitan niya at ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
“Makikita sa numero kung sino ang mas pinagtitiwalaan at mas minamahal ng taumbayan. Hindi natin puwedeng balewalain ang sentimyento ng publiko ito ang tunay na sukatan kung epektibo ang pamumuno.” -VP Sara Duterte
Ayon sa survey, patuloy na nakaka-enjoy si VP Sara ng mataas na approval at trust ratings, habang ang Pangulo ay nakararanas ng malawakang distrust mula sa mas nakararaming Pilipino.
Mabigat itong indikasyon na habang nananatili sa ikalawangpuwesto ang Pangulo, hindi tumataas ang tiwala ng taumbayan sa kanya at patuloy pang pumapasok sa negatibong rating ang kanyang public sentiment. Dito na pumasok ang matapang na mensahe ni VP Sara Duterte: ang numero raw ang nagsasalita, at malinaw kung sino talaga ang mas mahal at mas pinagtitiwalaan ng taumbayan.
Habang lumulubog sa distrust si Pangulong Marcos, nananatiling matatag at mataas ang tiwala ng taumbayan kay VP Sara Duterte, isang malinaw na indikasyon kung saan nakahanay ang sentimyento ng publiko.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento