Advertisement

Responsive Advertisement

"SA PANAHON NIYA NAGSIMULA ANG LAHAT" REP. ANTONIO TINIO SINISISI ANG DUTERTE ADMINISTRATION NA NAGPASIMUNO NG KORAPSYON DPWH

Martes, Disyembre 30, 2025

 



Matapang na binatikos ni ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio ang nakaraang administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, matapos niyang igiit na doon umano nagsimula ang pinakamalaking eskandalo ng korapsyon sa badyet ng Department of Public Works and Highways (DPWH).


"Nagsimula ang walang kapantay na korapsyon sa DPWH budget noong panahon ni Duterte. Kaya kung may imbestigasyon, dapat mula 2016 hanggang 2022 ang saklaw  panagutin ang dapat managot, kasama ang mga opisyal noon sa MalacaƱang." -Rep. Antonio Tinio


Ayon kay Tinio, malinaw na hindi dapat sisihin lamang ang kasalukuyang administrasyon sa patuloy na pagputok ng flood control anomalies. Bagkus, dapat umanong harapin ang katotohanang sa panahon ng Duterte administration unang lumobo at sumidhi ang sistematikong pagnanakaw sa pondo ng DPWH, mula 2016 hanggang 2022.


Ani Tinio, kung seryoso ang pamahalaan sa paghahanap ng katotohanan, dapat masilip ang budget insertions, infrastructure allocations, at flood control projects mula 2016 hanggang 2022, dahil doon aniya nagsimula ang “malawak, malalim, at walang kapantay na pandarambong.”


Ang pahayag ni Rep. Antonio Tinio ay isang direktang hamon sa mga nagsasabing ang kasalukuyang anomalyang kinakaharap ng DPWH ay problema lamang ng Marcos administration. Ayon sa kanya, ang ugat ng anomalya ay mas malalim at mas matagal nang umiiral nagsimula pa noong 2016, sa ilalim ng Duterte administration.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento