Advertisement

Responsive Advertisement

"SISIGURADUHIN NATIN SUSUNOD SIYA SA MGA YAPAK NG TATAY NIYA" ANTONIO “SONNY” TRILLANES IV KAKASUHAN SI CONG. PULONG DUTERTE SA P51 BILLION BUDGET SA DAVAO

Martes, Disyembre 30, 2025

 



Nakatakdang humarap sa malakihang kaso si Davao City Rep. Paolo “Pulong” Duterte matapos ihayag ni dating Senador Antonio “Sonny” Trillanes IV na sasampahan niya ito ng reklamo kaugnay ng umano’y ₱51 bilyong infrastructure projects na inirekomenda at ipinagpilitan umano sa Department of Public Works and Highways (DPWH).


“Baka sa January na natin i-file dahil sobrang dami ng ebidensya laban sa kanya. At sisiguraduhin ko susunod siya sa tatay niya. Walang dapat ligtas sa batas.” -Sen. Antonio ‘Sonny’ Trillanes IV


Ayon kay Trillanes, hindi basta-bastaA ang ilalabas niyang kaso dahil napakarami at napakabigat ng ebidensyang hawak ng kanyang kampo laban sa kongresista. Giit niya, ang dami raw ng dokumento, testimonya, at mismong track records ng proyekto ay sapat na para maipakita kung paano gumalaw ang pondo at sino ang nakinabang dito.


Sa isang matapang na pahayag, sinabi ni Trillanes na posibleng sa Enero 2026 nila pormal na ihain ang kaso. Hindi raw ito minamadali dahil mas mahalaga ang kompletong ebidensya kaysa sa mabilis na aksyon na walang matibay na basehan.


Para kay Trillanes, hindi raw dapat tingnan na “ordinaryong budget allocation” lamang ang P51 bilyong proyekto. Sa halip, isa raw itong malaking indikasyon ng malawakang paggamit at pang-aabuso sa pondo sa loob ng Davao City at DPWH na kailangan nang masilip at mapanagot.


Ang nakaambang pagsasampa ng kaso ni dating Senador Trillanes laban kay Rep. Pulong Duterte ay nagpapakita na hindi humihina ang kampanya laban sa katiwalian, lalo na sa malalaking infrastructure projects. Ang ₱51 bilyong isyu ay hindi lamang tungkol sa pondo, kundi tungkol sa pananagutan, kapangyarihan, at integridad sa gobyerno.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento