Isang matapang at nakakagulat na pahayag ang binitawan ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste matapos niyang ibunyag na bawat kongresista umano ay tumanggap ng tig-₱2 milyon para sa taong 2025 bukod pa sa kanilang regular na ₱300,000 buwanang sahod at ₱1 milyong operating budget.
“Tig-₱2 milyon ang natanggap ng bawat kongresista para sa 2025. Bukod pa ’yan sa ₱300,000 sahod at ₱1M operating budget. Tapos tatahimik tayo sa ₱10.5B na dagdag budget na wala man lang debate? Mahiya naman tayo sa taumbayan.” -Rep. Leandro Leviste
Sa isang panayam, diretsahang sinabi ni Leviste na hindi raw tama ang ganitong sistema, lalo na habang patuloy na naghihirap ang ordinaryong Pilipino at nalulubog sa krisis ang bansa. “Kung tayo mismong nasa Kongreso ay nakakatanggap ng ganyang laki na pondo, paano pa natin mahaharap ang taumbayan? Mahiya naman tayo,” mariin niyang pahayag.
Bukod sa kontrobersyal na tig-₱2M na umano’y natanggap ng mga kongresista, binulabog din ni Leviste ang publiko matapos niyang kuwestiyunin ang biglaang pagtaas ng budget ng Kamara na umabot sa ₱10.5 bilyon, isang dagdag na pondo na hindi raw dumaan sa kahit anong debate, diskusyon, o plenary deliberation.
Giit ni Leviste, responsibilidad niyang magsalita dahil hindi raw tama na sa panahon ng pinakamatinding krisis sa gobyerno, mismong mga mambabatas pa ang nagtatamasa ng pinakamalaking benepisyo.
Ang pagbubunyag ni Rep. Leandro Leviste ay nagbukas ng panibagong usapin sa integridad ng Kongreso, lalo na sa paggamit ng pambansang pondo. Ang tig-₱2M na umano’y natanggap ng bawat kongresista at ang misteryosong ₱10.5B budget increase ay malinaw na nagpapakita ng pangangailangan ng mas mahigpit na transparency sa loob mismo ng institusyon.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento