Advertisement

Responsive Advertisement

"WALA AKONG KINATATAKUTAN KAHIT PINSAN SIYA NG PANGULO’ DPWH SEC. VINCE DIZON NIREKOMENDA NA TULUYAN NG KASUHAN SI DATING SPEAKER MARTIN ROMUALDEZ

Martes, Disyembre 30, 2025

 



Matapang na pinanindigan ni DPWH Secretary Vince Dizon ang rekomendasyon ng kanilang kagawaran na sampahan ng kaso si Leyte Rep. at dating House Speaker Martin Romualdez kaugnay ng mga anomalya sa flood control projects. Sa halip na umatras o magpakita ng pag-aalinlangan, hayagang sinabi ni Dizon na buo ang kanyang tiwala sa ebidensyang hawak ng ahensya at hindi siya natitinag sa anumang posibleng implikasyon nito.


“May ebidensya laban sa dating Speaker. Hindi ako natatakot at wala akong paki kung pinsan siya ng Pangulo, batas ang susundin natin.” -DPWH Secretary Vince Dizon


Ayon kay Dizon, malinaw ang mandato ng DPWH: Protektahan ang pondo ng bayan, hindi ang interes ng sinuman. Kaya’t anuman ang apelyido o koneksyon sa Palasyo, dapat lang daw na ipatupad ang batas.


Sa isang panayam, diretsahan niyang sinabi na hindi siya nangangamba kahit na si Romualdez ay pinsan ng Pangulo. Dagdag pa niya, hindi raw importante rito ang relasyon sa Pangulo kundi ang kredibilidad ng gobyerno at ang kapakanan ng taong-bayan.


Ang matapang na paninindigan ni Secretary Vince Dizon ay malinaw na pahiwatig na hindi lahat ng opisyal sa gobyerno ay papayag magpaimpluwensya ng pulitika. Sa harap ng kontrobersiyang patuloy na yumanig sa DPWH at sa administrasyon, naglatag si Dizon ng mensaheng malinaw: walang sasantuhin, kahit sino pa ang tamaan.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento