Advertisement

Responsive Advertisement

"TRABAHO KO ANG MAGSABI SA INYO NG TOTOO" PANGULONG MARCOS SINISIGURO TAUMBAYAN NA MANANAGOT SI DATING SPEAKER MARTIN ROMUALDEZ

Martes, Disyembre 30, 2025

 



Nagbigay ng matapang at diretsahang pahayag si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para tiyakin sa mga Pilipino na hindi niya kukunsintihin ang sinuman kahit pa kaanak na sangkot sa pagkawala ng bilyun-bilyong pondo ng bayan mula sa flood control projects. Sa gitna ng bumabagsak na trust rating at matinding pampublikong galit, iginiit ng Pangulo na malinaw at matibay ang kanyang posisyon: may mananagot.


“Trabaho ko ang magsabi ng totoo, kahit pinsan ko pa siya. Sinisiguro ko sa inyo na hindi ligtas si dating Speaker Martin Romualdez.”  -Pangulong Ferdinand Marcos Jr.


Ayon sa kanya, tungkulin niyang maglatag ng katotohanan at protektahan ang interes ng sambayanan. Hindi raw ito panahon para magtago, magtakipan, o gamitin ang impluwensya para iligtas ang sinuman.


Dagdag pa ng Pangulo, hindi raw siya matitinag sa paglabas ng katotohanan dahil ang mandato niya ay hindi para protektahan ang mga kaanak kundi ang sambayanang Pilipino.


Ang pahayag ni Pangulong Marcos ay isang malinaw na senyales na hindi na uubra ang padrino system, kahit pa ito ay nasa loob mismo ng kanilang pamilya. Sa gitna ng pinakamalaking corruption scandal sa kasaysayan ng DPWH, ang pangako ng Pangulo na magbigay ng hustisya ay sinusuri ngayon ng publiko hindi sa kanyang salita, kundi sa magiging resulta ng imbestigasyon.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento