Naglabas ng matapang na pahayag si DILG Secretary Jonvic Remulla matapos niyang kumpirmahing naghahanda na ang gobyerno ng isang “10,000-man task force” para sa malawakang dragnet operations na layong tiyaking maaresto si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa.
Ang hakbang ay kasunod ng lumabas na arrest warrant laban kay Dela Rosa kaugnay ng imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa kontrobersyal na war on drugs campaign noong nakaraang administrasyon.
Ayon kay Remulla, hindi biro ang operasyon na inihahanda ng gobyerno. Layunin umano nitong tiyakin na walang puwang para makatakas ang sinumang wanted person, gaano man kataas ang posisyon nito.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento