Opisyal nang pinaghahanap ng mga awtoridad si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa matapos kumpirmahin ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na may inilabas nang arrest warrant laban sa senador mula sa International Criminal Court (ICC).
Ayon kay Remulla, kasunod ng paglabas ng warrant ay nagsimula na ang koordinasyon upang matukoy ang lokasyon ng senador at maipatupad ang kautusan ng ICC.
Matatandaang si Dela Rosa ang naging hepe ng Philippine National Police (PNP) noong kasagsagan ng anti-drug operations at isa sa pinaka-kilalang personalidad sa naturang kampanya.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento