Naglabas ng matapang na pahayag ang Office of the Ombudsman matapos nilang kumpirmahing hindi kumpleto ang mga dokumentong isinumite ni Batangas First District Rep. Leandro Leviste kaugnay ng tinatawag niyang “Cabral Files.” Ang files na ito diumano’y mula kay yumaong DPWH Undersecretary Maria Catalina Cabral, na sinasabing naglalaman ng sensitibong impormasyon tungkol sa flood control budget insertions.
“Kung talaga pong wala siyang itinatago, dapat ay kumpleto ang isinumite niya. Kulang-kulang ang nakita naming files. Hindi niya sinabi na hindi pala buo. Natural lang na magtanong kami.” -Office of the Ombudsman
Ayon sa Ombudsman, mismong si Leviste ang nagmamayabang na hawak niya ang “kumpletong listahan,” ngunit nang ipasilip sa kanila, kulang-kulang, putol-putol, at may nawawalang mahahalagang bahagi ang mga file. Dahil dito, hindi maiwasang magduda ang Ombudsman sa intensyon niya at bakit tila hindi niya nais ipakita ang buong larawan.
Mas lalo pang nagduda ang Ombudsman dahil ipinasa raw ni Leviste ang files na hindi niya inaayos, hindi naka-index, hindi naka-organisa, at tila minadali. Para bang, ayon sa kanila, mas importante kay Leviste ang magpaingay sa media kaysa magbigay ng kompletong ebidensya sa tamang ahensya.
Habang lumalalim ang imbestigasyon sa flood control scandal, lalong nagiging halata na maraming personalidad ang nagtatago sa likod ng “partial truth.” Ang kulang-kulang na submission ni Rep. Leviste ay hindi lamang nakakabagal sa imbestigasyon nakakapagduda rin kung ano ang tunay niyang motibo.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento