Advertisement

Responsive Advertisement

"KAILANGAN NIYA NG MAG-EXPLAIN SA PAMILYA NG LALAKI' MISSING BRIDE SHERRA DE JUAN NATUNTON NG MGA PULIS SA ILOCOS REGION

Lunes, Disyembre 29, 2025

 



Matapos ang halos ilang linggo ng pag-aalala at pagkalito, kinumpirma ng Quezon City Police District (QCPD) na natunton na nila ang kinaroroonan ng nawawalang bride-to-be na si Sherra de Juan, ang 26-anyos na ikakasal sana noong Disyembre 14 sa fiancé niyang si Mark Arjay Reyes.


“On the way na po ang team kasama ang pamilya para sunduin si Sherra. Sisiguraduhin naming ligtas at maayos siyang maibabalik sa Maynila. Kailangan niya mag explain sa pamilya ng lalaki” — QCPD Public Information Office


Ayon sa ulat ng QCPD, huling nakita si Sherra noong 1:30 p.m. ng Disyembre 10 sa may kanto ng Commonwealth Avenue at Atherton Street sa North Fairview, QC. Mula noon, nagdulot ng matinding takot at pangamba ang kanyang pagkawala, lalo na’t apat na araw na lang sana bago ang kanilang inaabangang kasal.


Dakong hapon ng Lunes, inanunsyo ng QCPD na “on the way to fetch” na sila kay Sherra kasama ang pamilya nito. Kinumpirma rin nila na ang lokasyon ng babae ay nasa Ilocos Region, bagama’t hindi muna tinutukoy ang eksaktong bayan o barangay hangga’t hindi nila personal na napupuntahan ang lugar.


Sa kanilang post, sinabi ng QCPD na tatlong oras ang biyahe pabalik ng Maynila, at inaasahang darating si Sherra bandang 5:00 p.m. ng hapon.


Nanindigan ang QCPD na prayoridad nila ang kaligtasan at maayos na pag-uwi ng nawawalang bride, na ngayon ay nasa ilalim ng kanilang custody at proteksyon.


Ang pagkatunton kay Sherra de Juan ay nagbigay ng malaking ginhawa sa pamilya at publiko na ilang araw nang nababalot ng pangamba. Ngunit nananatiling malaking tanong kung bakit siya napunta sa Ilocos at ano ang tunay na nangyari mula nang siya ay mawala.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento