Matapang na inihayag ni Cong. Leandro Leviste ang kanyang pagkadismaya sa Office of the Ombudsman matapos umano nitong balewalain ang mga dokumentong kilala ngayon bilang “Cabral Files” mga ebidensyang ibinigay niya mismo upang makatulong sa imbestigasyon sa malawakang anomalya sa flood control projects.
“I showed to the Ombudsman the Cabral files, letting them freely look through the files since the public want to know the truth. However, after that, they did not follow up on this.” -Cong. Leandro Leviste
Ayon kay Leviste, siya na mismo ang naglatag ng lahat ng hawak niyang dokumento, kabilang ang mga file na umano’y galing kay yumaong DPWH Undersecretary Catalina Cabral, na tinitingnan ngayon bilang susi para mabunyag ang lawak ng katiwalian sa DPWH. Inaasahan niyang tatanggapin at susuriin ito nang buo ng Ombudsman, ngunit ikinagulat niyang walang kahit anong follow-up mula sa ahensya.
Para kay Leviste, malinaw ang mensahe: may nais itago o protektahan ang mga taong dapat sana ay nangunguna sa pagsugpo sa korapsyon. Ang tahimik na tugon ng Ombudsman sa ebidensyang inabot ni Cong. Leandro Leviste ay nagbubunsod ng mas mabibigat na tanong kaysa sagot.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento