Matapang na pinuna ni Senator Rodante Marcoleta ang biglaan umanong pagbabalik ni Sen. Ping Sotto bilang chairman ng Blue Ribbon Committee matapos lamang ang ilang araw mula nang magbitiw ito sa posisyon.
“Ba’t ka pa nag-resign bilang chairman ng Blue Ribbon Committee kung babalik ka rin? Anong klaseng palabas ba ito? Sa ginawa mo, binaboy mo ang integridad ng komite.” - Senator Rodante Marcoleta
Ayon kay Marcoleta, ang naging galaw ni Sotto ay hindi lamang nakalilito, kundi nagpapakita umano ng kawalan ng respeto sa institusyon at sa mismong integridad ng Blue Ribbon Committee ang komiteng inaasahan na manguna sa mga imbestigasyon laban sa korapsyon at pang-aabuso sa kapangyarihan.
Idinagdag pa ni Marcoleta na sa panahon ngayon kung saan sunod-sunod ang isyu ng flood control scandal, budget insertions, at mga alegasyon ng anomalya, dapat sana ay mas nagiging maingat si Sotto sa kanilang kilos.
Pinunto rin niya na ang pag-uurong-sulong ni Sotto ay maaaring magbigay ng maling mensahe sa publiko na ang Blue Ribbon Committee ay nagagamit sa politika, hindi para sa tunay na accountability. Ayon kay Marcoleta, kailangan ng Senado ng lider na may paninindigan, hindi yung parang “magre-resign kapag mainit, babalik kapag malamig na ulit ang issue.”
Ang matapang na pagpuna ni Sen. Rodante Marcoleta ay muling nagpapakita ng lumalalang tensyon at pagkakahati sa Senado, lalo na sa gitna ng malalaking isyu ng katiwalian. Habang patuloy ang pagbusisi sa mga anomalya, mas lalong nagiging mahalaga ang malinaw, matatag, at consistent na pamumuno sa mga komite gaya ng Blue Ribbon.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento