Diretsong sinabi ni Cayetano na ang lawak at kapal ng anomalya sa flood control projects, budget insertions, at umano'y katiwalian sa DPWH ay hindi maikukumpara sa kahit anong iskandalo ng nakaraang administrasyon. Ayon sa kanya, “ito ang uri ng pagnanakaw na literal na nararamdaman ng bawat Pilipino, mula Luzon hanggang Mindanao.”
“Isipin niyo ito, yung pagnanakaw nila sa gobyerno ngayon, mas masahol pa sa drug war. Doon, adik at users ang direktang tinatamaan. Pero ito buong Pilipinas ang nagdurusa. Garapal, sistematiko, at walang pakundangan.”
Binanggit niyang ang epekto ng flood control anomaly ay hindi lang limitado sa isang sektor, dahil ang pondo na dapat sana ay ginamit para sa mga komunidad, paaralan, kalsada, at serbisyong pangkalusugan ay “nilamon ng iilan.”
Idinagdag pa niya na kung sa drug war, iilan lang ang direktang apektado, ngunit sa korapsyon na ito buong Pilipinas ang nagdurusa. Aniya, ang perang dapat tumutugon sa baha, kalamidad, at pangangailangan ng mahihirap ay napupunta lamang sa bulsa ng mga makapangyarihan.
Sa matapang na banat ni Sen. Alan Peter Cayetano, muling nabuksan ang diskusyon tungkol sa lawak ng korapsyon sa kasalukuyang administrasyon. Habang patuloy ang mga imbestigasyon, mas tumitindi ang panawagan ng publiko para sa malinaw na aksyon, tunay na pananagutan, at hindi selektibong hustisya.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento