Advertisement

Responsive Advertisement

"BUHAY PA PO KAPATID KO" DILG SEC. JONVIC REMULLA PINASINUNGALINGAN NA NAG-AAGAW BUHAY SI OMBUDSMAN CRISPIN REMULLA

Biyernes, Enero 2, 2026

 



Mariing pinabulaanan ni DILG Secretary Jonvic Remulla ang kumalat na balitang isinugod sa ospital ang kaniyang kapatid, si Ombudsman Jesus Crispin Remulla. Ayon kay Jonvic, walang katotohanan ang mga tsismis at malisyosong balita na nagdudulot lamang ng pangamba sa publiko.


“Fake news lang po ‘yan. Buhay at malakas ang kapatid ko katatapos lang namin maglaro ng golf. Wala pong pagka-ospital, walang emergency.” -DILG Sec. Jonvic Remulla


Ito ang diretsahang sagot ng DILG Secretary sa mga kumakalat na ulat kung saan sinasabing nagkaroon daw ng heart emergency ang Ombudsman.


Ayon sa kanya, malusog, aktibo, at nasa mabuting kondisyon ang Ombudsman, malayo sa mga ipinapakalat na kuwento ng diumano’y pagkaparalisa o pagkaka-admit sa ospital. Paglilinaw ng Ombudsman, mahigit isang taon na siyang cancer-free at wala nang iniindang seryosong karamdaman.


Pinuna ni Jonvic Remulla ang patuloy na pagkalat ng maling impormasyon na may halatang intensyon na manggulo o magpasiklab ng ispekulasyon lalo na ngayong mainit ang isyu sa gobyerno.


Aniya, nakakasama ito hindi lang sa reputasyon ng opisina kundi maging sa mental at emotional well-being ng kanilang pamilya.


Sa muling pag-usbong ng pekeng balita tungkol sa kalusugan ng Ombudsman, pinatutunayan ng pahayag ng magkapatid Remulla na hindi dapat basta-basta naniniwala sa kumakalat online, lalo na kung walang opisyal na kumpirmasyon.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento