Mariing pinabulaanan ni Ombudsman Boying Remulla ang kumakalat na impormasyon na umano’y isinugod siya sa ospital dahil sa panghihina at iniindang karamdaman. Kumalat ang balita matapos mag-trending online ang mga post na nagsasabing “critical” daw ang Ombudsman at hindi makadalo sa ilang pulong.
“I am in great shape. Fake news ang mga kumakalat na balita. Patuloy kong pagsisilbihan ang taumbayan at hindi ako uurong sa anumang imbestigasyon.” -Ombudsman Boying Remulla
Sa isang maikling pahayag, tahasang itinanggi ni Remulla ang mga usap-usapang lumalala ang kaniyang kalusugan. Giit niya, nasa maayos siyang kondisyon at tuluy-tuloy ang kanyang trabaho, lalo na ngayong mainit ang mga isyu ng korapsyon na kanyang iniimbestigahan.

Sinabi rin ni Remulla na hindi siya aatras sa anumang laban, at handa siyang ituloy ang lahat ng imbestigasyon kahit pa may mga naglalayong guluhin ang kanilang trabaho.
Sa gitna ng pagkalat ng maling impormasyon, naging malinaw at diretso ang mensahe ni Ombudsman Boying Remulla na wala siyang sakit, hindi siya naospital, at handa siyang ipagpatuloy ang laban kontra korapsyon.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento