Advertisement

Responsive Advertisement

"HUWAG MAWALAN NG TIWALA, MAY 3 YEARS PANG NATITIRA" ATTY. CLAIRE CASTRO NANAWAGAN NG SUPORTA PARA KAY PANGULONG MARCOS

Biyernes, Enero 2, 2026

 



Naglabas ng panawagan si Atty. Claire Castro sa publiko upang huwag mawalan ng tiwala kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa gitna ng kritisismo at mga kontrobersiyang patuloy na hinaharap ng administrasyon. Ayon sa kanya, sa lahat ng lider na dumaan, si Marcos umano ang may pinakamalinaw at pinakamalakas na kapasidad para gawing mas komportable at mas magaan ang pamumuhay ng mga Pilipino.


“Huwag po tayong mawalan ng tiwala kay Pangulong Marcos. Siya lang ang merong kakayahan na gawing komportable ang buhay ng bawat Pilipino. Imbes puro puna, sana suportahan natin.”  -Atty. Claire Castro 


Sa kanyang pahayag, iginiit ni Atty. Castro na mas mainam daw kung susuportahan ng publiko ang Pangulo kaysa tuloy-tuloy na pagbatikos, lalo’t napakalaki raw ng responsibilidad na nakaatang sa balikat ng Chief Executive.


Sa kanyang pahayag, iginiit ni Atty. Castro na mas mainam daw kung susuportahan ng publiko ang Pangulo kaysa tuloy-tuloy na pagbatikos, lalo’t napakalaki raw ng responsibilidad na nakaatang sa balikat ng Chief Executive.


Idinagdag ni Atty. Castro na ang patuloy na pag-aaway, pagdududa, at pagkalat ng negatibong naratibo laban sa Pangulo ay walang maidudulot na mabuti sa bansa. Kung may pagkukulang man, ani Castro, mas mabuting ipaabot ito sa tamang proseso at hindi gawing dahilan upang sirain ang pagkakaisa ng publiko.


Maliwanag ang paninindigan ni Atty. Claire Castro na sa halip na batikos, suporta ang dapat ibigay kay Pangulong Marcos. Para sa kanya, tanging pagkakaisa at hindi pag-aaway ang magpapagaan ng buhay ng mga mamamayan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento