Naglabas ng matapang na pahayag si Rep. Leila De Lima laban sa mga patuloy na bumabatikos kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ayon sa mambabatas, sobra na raw ang pag-atake at tila inaabuso na ng ilan ang kabaitan at pasensiya ng Pangulo. Sa panahong puno ng krisis, imbestigasyon, at pambansang hamon, iginiit niya na hindi makatutulong ang walang tigil na paglalait at paninira.
“Huwag po nating abusuhin ang kabaitan ng ating Pangulo. Hindi ito ang panahon ng panghihila pababa. Mas mainam po kung susuportahan natin siya, lalo’t napakalaki ng responsibilidad na nakaatang sa balikat niya.” -Rep. Leila De Lima
Ayon sa kanya, malinaw na napakalaki ng responsibilidad na nakaatang sa balikat ni Pangulong Marcos mula sa pagharap sa mga anomalya, pagsasaayos ng mga programang pang-imprastraktura, hanggang sa pagtataguyod ng ekonomiya. Dahil dito, mas nararapat daw na magkaisa ang mamamayan kaysa magtulakan pababa.
Binanggit ni De Lima na sa kabila ng mga batikos, hindi tumitigil ang administrasyon sa paghahanap ng solusyon para sa mga problemang kinakaharap ng bansa. Sa halip na bantaan o insultuhin ang Pangulo, mas makabubuti raw kung susuportahan ng publiko ang mga hakbang bunsod ng kabigatan ng kanyang posisyon.
Dagdag pa niya, marami raw nagmamasid sa Pilipinas lokal man o internasyonal kaya dapat ipakita ng mga mamamayan ang pagkakaisa, hindi pagkakawatak-watak.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento