Iginiit ni Palace Press Officer Usec. Claire Castro na hindi natatakot si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa anumang pahayag o plano na tatakbo si Vice President Sara Duterte sa pagkapangulo sa 2028.
Ayon kay Castro, bahagi ng demokrasya ang pag-aanunsyo ng intensyon na tumakbo sa mas mataas na posisyon. Hindi aniya dapat ituring na banta ang ganitong hakbang, dahil ang desisyon ay nasa kamay pa rin ng taumbayan.
Binigyang-diin din niya na dapat maging mapanuri ang publiko at tiyaking ang kanilang iboboto ay hindi pro-China, lalo na sa gitna ng mga isyung may kinalaman sa soberanya at pambansang interes.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento