Iginiit ni Rep. Edgar Erice na ang patuloy na paglakas ng impluwensiya ng mga Duterte ay hindi lamang dahil sa kanilang sariling kampanya, kundi dahil umano sa mga palpak na serbisyo at polisiya ng kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay Erice, kapag may pagkukulang sa pamamahala lalo na sa mga pangunahing serbisyo nagkakaroon ng puwang para sa mga karibal na lumakas ang suporta mula sa publiko. Para sa kanya, ang pagkadismaya ng mamamayan ang nagiging dahilan kung bakit tumitibay ang oposisyon.
Iginiit niya na ang tunay na solusyon ay hindi ang pagtuturo ng sisi, kundi ang pag-ayos ng mga programa at pagbutihin ang serbisyo publiko upang maibalik ang tiwala ng taumbayan.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento