Hindi napigilan ni Philippine Coast Guard (PCG) Rear Admiral Jay Tarriela na magpahayag ng matinding saloobin laban sa ilang senador na umano’y kumukwestiyon sa legal na batayan ng Pilipinas sa West Philippine Sea. Sa isang pahayag, tinawag niya ang mga ito na “mas masahol pa sa hayop” dahil sa aniya’y pagpapalabo sa usapin ng soberanya.
Ayon kay Tarriela, kung ang isang Pilipino opisyal man o pribado ay pinagdududahan ang legal na karapatan ng bansa sa teritoryo nito, ito ay isang seryosong usapin. “Kung ikaw ay Pilipino… at pinalalabo mo ang usapin sa West Philippine Sea at pinagdududahan mo ang ating legal na batayan ay mas masahol ka pa sa hayop,” ani niya.
Sumang-ayon si Tarriela sa naunang pahayag ni Senate President Pro Tempore Ping Lacson na dapat ipagtanggol ng bawat Pilipino ang karapatan ng bansa sa mga teritoryo nito. Para sa PCG official, mahalaga ang pagkakaisa sa ganitong sensitibong isyu, lalo na’t may kinalaman ito sa pambansang interes at soberanya.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento