Ipinagmalaki ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla ang patuloy na pagtaas ng presyo ng shabu sa merkado, na aniya’y malinaw na indikasyon na epektibo ang kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga.
Sa isang press briefing, sinabi ni Remulla na mula sa presyong P3,800 kada gramo noong 2022, umabot na ito sa P7,000 kada gramo sa kasalukuyan. Para sa kanya, ang pagdoble ng presyo ay nagpapakita na nahihirapan ang mga sindikato sa suplay.
Ayon pa kay Remulla, hindi lamang presyo ang tumaas kundi bumaba rin umano ang krimen at paggamit ng ilegal na droga. “Nag-doble ang presyo ng shabu, bumaba ang crime, bumaba ang usage. So, naging effective ang strategy namin, hindi kailangan pumatay” ani niya.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento