Advertisement

Responsive Advertisement

"MANANATILI ANG SUPORTA KO SA MGA DUTERTE" SEN. ROBIN PADILLA NANINIWALA NAGKAROON NG PAG-ASA ANG BANSA NOONG DUTERTE ADMINISTRATION

Linggo, Marso 15, 2026

 



Binalewala ni Senador Robin Padilla ang bansag sa kanya na “tuta” ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Sa halip na magpaliwanag nang mahaba, diretsahan niyang sinabi, “Sabihin n’yo na ang gusto n’yong sabihin,” bilang tugon sa mga kritiko.


Ginawa ni Padilla ang pahayag habang bumibisita sa The Hague, Netherlands, kung saan kasalukuyang naka-detain ang dating pangulo. Para sa senador, hindi mahalaga ang mga bansag kung malinaw naman ang kanyang paninindigan.


Ayon kay Padilla, nananatili ang kanyang suporta kay Duterte dahil naniniwala siyang nagkaroon ng pag-asa ang Pilipinas na maging progresibong bansa noong panahon ng dating administrasyon. Para sa kanya, ang kanyang posisyon ay nakabatay sa sariling paniniwala at hindi sa bulag na pagsunod.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento