Nanawagan si Senate President Pro Tempore at Blue Ribbon Committee Chairman Panfilo “Ping” Lacson sa 18 nagpakilalang dating miyembro ng Philippine Marine Corps na itama ang kanilang affidavit kung may mali o hindi makatotohanang bahagi ito. Ayon kay Lacson, hindi sarado ang pintuan ng komite para dinggin ang kanilang mga akusasyon laban sa ilang opisyal ng gobyerno.
Gayunman, iginiit ng senador na kailangang maging maayos at kapani-paniwala ang nilalaman ng kanilang salaysay bago ito talakayin sa pagdinig.
Ayon kay Lacson, bukas ang Blue Ribbon Committee na magbigay ng hearing kung aayusin ng mga ito ang kanilang mga pahayag. “Correct your statements at bibigyan ko kayo ng hearing,” ani niya, sabay-diin na mahalagang maging tapat at maingat sa mga detalyeng inilalahad.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento