Naglabas ng malinaw na pahayag si Cesar Cabral, asawa ng yumaong dating DPWH Undersecretary Catalina Cabral, matapos siyang kumpirmahing pumirma ang kanilang pamilya ng waiver na tumatanggi sa autopsy sa labi ng opisyal.
“Para saan pa ang autopsy? Alam naman ng lahat na aksidente ang nangyari. Huwag na nating pahabain pa ang sakit hayaan n’yo kaming magluksa nang tahimik.” -Cesar Cabral
Ayon kay Cesar Cabral, hindi na nila nakikitang kailangan pa ang mas malalim na forensic examination dahil malinaw para sa kanila na aksidente ang naging sanhi ng trahedya.
Kinumpirma ni Cesar Cabral sa media na sila mismo ang nagdesisyon na huwag nang ipasailalim sa autopsy ang katawan ng dating opisyal. Aniya, matagal nang may inilalabas na haka-haka, pero hindi raw ito makatwiran at lalo lamang nagpapabigat sa sitwasyon ng kanilang pamilya.
Ayon kay Cesar Cabral, sapat na sa kanilang pamilya ang mga findings ng pulisya at ang mga nakitang ebidensya sa lugar ng insidente.
Ang naging pahayag ni Cesar Cabral ay malinaw na panawagan sa publiko na igalang ang kanilang desisyon at ang kanilang panahon ng pagdadalamhati. Habang may mga nagdududa pa rin, pinaninindigan ng pamilya na trahedyang aksidente ang nangyari, at ayaw na nilang muling buksan ang sugat sa pamamagitan ng autopsy.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento