Nilinaw ni DILG Secretary Jonvic Remulla na ang cellphone at iba pang gadget ni dating DPWH Undersecretary Catalina Cabral ay kasalukuyang nasa kustodiya pa ng pamilya ng yumaong opisyal.
“Nasa pamilya pa ang cellphone at gadgets ni Usec. Cabral, pero opisyal na naming nire-request ang mga ito. Kailangan nating ma-analyze para malaman kung tunay na aksidente ang nangyari O kung may nagtulak sa kanya" -DILG Secretary Jonvic Remulla
Gayunpaman, iginiit ni Remulla na opisyal na nilang nire-request na makuha ang mga ito upang maisailalim sa forensic examination at para matukoy nang malinaw kung tunay na aksidente ang nangyari o kung may foul play na dapat imbestigahan.
Ang pahayag ng kalihim ay tugon sa lumalaking panawagan ng publiko na busisiin ang lahat ng posibleng angulo, lalo na’t nadawit si Cabral sa kontrobersyal na flood control anomaly bago siya pumanaw.
Ayon kay Remulla, hindi sapat na magtiwala lamang sa initial findings, hindi nila nais na magbintang o magsara agad ng kaso, pero hindi rin nila hahayaang may matabunang katotohanan.
Sa gitna ng kontrobersiya, nanindigan si DILG Secretary Jonvic Remulla na ang katotohanan lamang ang habol ng gobyerno, hindi ang paghusga ng basta-basta.
Ang kanilang panawagan na ma-examine ang cellphone at gadgets ni Usec. Cabral ay isang hakbang para tiyaking walang natatabunang ebidensya at para mabigyan ng tunay na linaw ang nangyari.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento