Naglabas ng pahayag si Cesar Cabral, asawa ng yumaong dating DPWH Undersecretary Catalina Cabral, matapos lumabas ang impormasyon na nasa kanilang pamilya umano ang cellphone at gadgets ng opisyal.
“Pagdating ko pa lang sa lugar, magulo na. Hindi ko man lang nakita ang cellphone at mga gamit niya. Paano ko isa-sauli ang mga ‘yan kung wala naman sa akin?”
Mariin itong pinabulaanan ni Cesar Cabral, at iginiit na wala sa kanya ang anumang gamit ng kanyang asawa na hinihingi ngayon ng DILG para sa imbestigasyon.
Ayon kay Cabral, pagdating niya sa lugar kung saan natagpuan ang katawan ng kanyang asawa, magulo na ang sitwasyon, at hindi man lamang niya nakita ang cellphone o anumang personal na gamit. Aniya, wala siyang kakayahan na ibalik ang mga gadget dahil hindi man lang ito nai-turn over sa kanya, taliwas sa unang pahayag ng DILG na nasa pamilya ang mga ito.
Matatandaang sinabi ni DILG Secretary Jonvic Remulla na hiniling nila sa pamilya Cabral ang cellphone at gadgets ng dating Usec. upang maisailalim sa forensic analysis. Pero ayon kay Cesar Cabral, walang ibibigay ang pamilya dahil walang ibinigay sa kanila sa simula pa lang.
Ang magkakasalungat na pahayag ng DILG at ni Cesar Cabral ay lalo lang nagdagdag ng kalituhan at pagdududa sa tunay na mga pangyayari bago at pagkatapos mamatay ni Usec. Catalina Cabral.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento