Advertisement

Responsive Advertisement

"SA DAMI NG PARATANG, TANGING KATOTOHANAN LANG ANG HINIHILING KO" MARTIN ROMUALDEZ HUMINGI NG BASBAS KAY FR. FLAVIE HABANG HINAHARAP ANG IMBESTIGASYON

Sabado, Disyembre 20, 2025

 



Sa gitna ng maiinit na akusasyon at patuloy na imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastructure (ICI), dating Speaker Martin Romualdez ay lumapit kay Fr. Flaviano “Flavie” Villanueva upang humingi ng spiritual na basbas at gabay.


“Lumapit ako kay Father Flavie hindi para sa politika, kundi para humingi ng basbas at lakas. Sa dami ng paratang, tanging katotohanan lang ang hinihiling ko. Sana’y lumabas ang totoong nangyari sa imbestigasyon ng ICI.” -Martin Romualdez 


Ayon kay Romualdez, dumaraan siya sa pinakamabigat na yugto ng kanyang buhay politikal, moral, at personal at nais niya na ang katotohanan lamang ang lumabas mula sa imbestigasyon.


Hindi lingid sa publiko na isa si Romualdez sa mga iniimbestigahan kaugnay ng mga alegasyon ng flood control anomalies at budget irregularities.


Sa dami ng batikos at agam-agam, pinili ng dating Speaker na humingi ng lakas mula sa pananampalataya. Sinabi umano niyang kailangan niya ng isang malinis na konsensya, matatag na loob, at banayad na gabay para kayanin ang bawat araw ng pagdinig at pambabatikos sa kanya.


Ang paglapit ni dating Speaker Romualdez kay Father Flavie ay isang malinaw na indikasyon na kahit nasa pinakamataas na puwesto, hindi ligtas ang sinuman sa bigat ng problema at pangangailangang espirituwal.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento