Mariing pinabulaanan ni Davao City Rep. Paolo “Pulong” Duterte ang mga paratang na may kinalaman siya sa sinapit ni dating DPWH Undersecretary Catalina Cabral, na kamakailan ay natagpuang wala nang buhay sa Kennon Road.
"Hindi kailanman pumasok sa isip ko ang manakit ng tao, malungkot ako sa nangyari sa kanya. Sana lumabas ang totoong kwento at tigilan na ang paninira.” -Davao City Rep. Paolo “Pulong” Duterte
Ayon kay Pulong, hindi lamang siya inosente, hindi raw kailanman papasok sa isip niya ang pananakit sa isang taong itinuring niyang malapit na kaibigan. Labis siyang nasaktan sa mga paratang na tila inaakusahan siyang may kinalaman sa pagkamatay ni Cabral.
Hindi raw niya matanggap na may mga gumagamit sa trahedyang ito upang manira at magturo ng walang basehan. Ayon sa kongresista, deserve ni Cabral ang hustisya at ang totoong nangyari ay dapat lumabas, hindi ang mga haka-haka at paninira na kumakalat ngayon.
Sa gitna ng lumalalang tensyon sa isyu ng pagkamatay ni Usec. Cabral, nanindigan si Cong. Paolo “Pulong” Duterte na walang katotohanan ang mga paratang laban sa kanya. Ayon sa kanya, masakit para sa isang kaibigan na makita ang pangalang niya naisisingit sa isang trahedyang hindi naman niya kinasangkutan.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento