Advertisement

Responsive Advertisement

"PATI ANG PRESIDENTE HINDI LIGTAS SA INSERTIONS" CONG. LEANDRO LEVISTE HINDI MAILABAS ANG LISTAHAN DAHIL SANGKOT ANG BUONG GOBYERNO SA KATIWALIAN

Sabado, Disyembre 20, 2025

 



Diretsahan at walang paligoy-ligoy na sinagot ni Cong. Leandro Leviste ang tanong kung ano ang pinakataas na posisyon na kasama sa listahan ng DPWH insertions. Ayon sa kongresista, hindi kayang ilabas ng DPWH ang buong listahan dahil hindi lamang senador o congressman ang may kinalaman halos buong gobyerno raw ay may insertions.


“Kaya hindi mailabas ng DPWH ang listahan, kasi hindi lang senador o congressman ang may insertion. Halos buong gobyerno may insertions pati ang Presidente hindi ligtas. Maliban lang kay VP Sara dahil alam niyang may korapsyon sa DPWH.”


Sa kanyang pahayag, binigyang-diin ni Leviste na ang sistemang insertions ay hindi maliit na problema kundi malawak at matagal nang kultura sa loob ng gobyerno. Ayon kay Leviste, simple lang ang dahilan ay napakaraming pangalan at napakataas ng mga posisyong sangkot.


Anya, kung magiging transparent ang DPWH, baka mas lalong sumabog ang isyu dahil hindi lang iilan, kundi halos lahat ng sangay ng gobyerno ay tila mayroon palang ginawang insertion. Isang kontrobersiyal na bahagi ng pahayag ni Leviste ay ang pagbanggit niya na tanging si VP Sara Duterte lamang ang walang insertion dahil alam daw nitong may malawakang korapsyon sa DPWH.


Ang diretsahang pahayag ni Cong. Leandro Leviste ay muling nagpagulo sa usapin ng DPWH insertions. Sa kanyang salaysay, malinaw na para sa kanya, ang problema ay hindi maliit, hindi iilan, at hindi bago—kundi bahagi ng sistemang kinakain ang integridad ng gobyerno.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento