Kumpirmado na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na ang labi na natagpuan sa Kennon Road sa Benguet ay si dating DPWH Undersecretary Catalina Cabral. Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, malinaw ang resulta ng pagsusuri na blunt force trauma ang naging sanhi ng pagkamatay consistent sa pagkahulog mula sa mataas na lugar.
“Wala pong duda, ang bangkay na nakuha natin sa Kennon Road ay si DPWH Usec. Catalina Cabral. Ang ikinamatay niya ay blunt force trauma consistent sa pagkahulog. Pero tuloy pa rin ang malalim na imbestigasyon sa nangyari.” -DILG Secretary Jonvic Remulla
Sa isang opisyal na pahayag, sinabi ni Sec. Remulla na hindi na kailangan ng mas malalim na duda o haka-haka na pinagtibay ito ng forensic findings at physical identification ng awtoridad.
Bagama’t may ilang kontrobersiyal na teoryang lumulutang sa publiko, sinabi ng DILG na pisikal na ebidensya ang dapat sundin. Ayon kay Remulla, patuloy ang mas malalim na imbestigasyon upang malaman ang buong kwento.
Sa gitna ng mga tanong at teoryang umiikot sa publiko, ang pahayag ni DILG Sec. Jonvic Remulla ay nagbigay ng malinaw na direksyon na kumpirmado ang pagkakakilanlan at sanhi ng kamatayan ni Usec. Cabral.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento