Advertisement

Responsive Advertisement

"BAT KUNG SIYA MAG LAGAY 'AMENDMENT' ANG TAWAG PERO KUNG KAMI 'INSERTION'" SEN. ALAN CAYETANO NAPIKON PINAPABURAN NG MARCOS ADMINISTRATION SI SEN. RISA HONTIVEROS

Sabado, Disyembre 20, 2025

 



Matapang na binanatan ni Senator Alan Peter Cayetano ang Marcos administration at ilang opisyal na nakaupo sa budget process matapos niyang ikuwestiyon ang umano’y lantaran at paulit-ulit na pabor kay Senator Risa Hontiveros.


“Hindi tayo nagkaintindihan ngayon. Bakit pag grupo nila Risa Hontiveros naglagay, amendment ang tawag pero pag grupo namin, insertion agad? Bakit ganun? Paano tayo magkakaintindihan kung may favoritism?”


Sa gitna ng mainit na deliberasyon sa 2026 national budget, hindi na naitago ni Cayetano ang pagkainis sa umano’y magkaibang pagtrato sa mga panukalang ipinasasok ng iba’t ibang senador.


Giit ni Cayetano, hindi makatarungan ang ganitong sistema lalo na’t pareho lamang ang aksyon: paglalagay ng pondo o pagbabago sa budget line items.


Ipinunto rin ni Cayetano na kung gusto ng administrasyon na maging seryoso sa transparency at anti-corruption efforts, dapat itong magsimula sa pantay na pamantayan sa lahat ng senador, kaalyado man o hindi.


Ipinapakita ng pahayag ni Senator Cayetano na tumitindi ang tensyon sa pagitan ng mga senador at ng Marcos administration pagdating sa usapin ng transparency at fairness sa budget deliberations.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento