Sa gitna ng patuloy na pagbaba ng kanyang trust rating at kaliwa’t kanang kontrobersiya, muling humarap si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa publiko upang manawagan ng patuloy na tiwala sa kanyang pamumuno. Matapang niyang sinabi na hindi man maipakulong ang lahat ng sangkot sa mga iregularidad, sisiguraduhin niyang may pananagutan ang bawat isa.
“Hindi natin kayang maipakulong ang lahat-lahat, pero sisiguraduhin kong papanagutin natin sila. Kahit mababa ang trust rating ko, huwag kayong mawalan ng pag-asa. Hangga’t ako ang Pangulo, may laban pa tayo at may pag-asa pa ang Pilipinas.” -Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon sa Pangulo, hindi raw dapat ipagkibit-balikat ang galit at pagkadismaya ng taumbayan, ngunit dapat ding kilalanin na may mga proseso at batas na sinusunod. Justice takes time, aniya, pero hindi ito nangangahulugang walang mangyayari. Sa kabila nito, binigyang-diin niyang hindi titigil ang kanyang administrasyon hangga’t hindi nauubos ang mga nakikinabang sa korapsyon at nagpapahirap sa bansa.
Hindi rin niya itinanggi ang epekto ng mababang trust rating, ngunit iginiit niyang hindi ito katapusan. Sa kanyang pananalita, mariin niyang pinagtanggol ang sarili na kahit bumaba ang tiwala, hindi bumababa ang kanyang determinasyon. Nanawagan siya sa publiko na huwag sumuko, lalo na raw sa panahong siya pa rin ang naninindigan sa harap ng mga problemang iniwan at mga problemang lumitaw.
Sa pahayag ni Pangulong Marcos, malinaw ang mensaheng nais niyang iparating: hindi siya susuko at ayaw niyang sumuko ang taumbayan. Sa kabila ng kritisismo, mababang ratings, at matinding pressure, pinaninindigan niyang kaya pang iligtas at ituwid ang direksyon ng bansa

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento