Nagpatutsada na naman si dating Senador Antonio “Sonny” Trillanes IV laban sa pamilya Duterte, matapos niyang ihayag na may ilalabas umanong bank account records na magbabago raw ng pananaw ng publiko tungkol sa kanila.
Diretsahang sinabi ni Trillanes na para sa kanya, “Duterte is the king of all corruption.”
Ayon sa dating senador, matagal nang ipinapakita ng mga Duterte sa publiko na simple ang kanilang pamumuhay pero aniya, hindi raw iyon ang buong katotohanan.
“All this time, nagpapakita sila na simple silang mga tao. Pero kapag lumabas ang bank accounts na ’yan, magbabago ang pagtingin ng mga tao sa kanila.” -Sonny Trillanes
Sa panayam, iginiit ni Trillanes na ang bank account na ilalabas sa tamang panahon ay magbibigay-linaw sa tunay na financial dealings ng pamilya. Dagdag niya, hindi na raw kakayanin ng anumang propaganda o depensa ang bigat ng ebidensyang ilalabas.
Pinunto rin ni Trillanes na hindi dapat sanayin ang taumbayan sa pagtingin na ang pagiging “simple” ay awtomatikong katumbas ng pagiging malinis. Ang pahayag ni Trillanes ay muling nagpaalab sa kontrobersiya at diskusyon tungkol sa yaman at integridad ng pamilya Duterte.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento