Naglabas ng matapang at mabigat na pahayag si dating Senador Antonio “Sonny” Trillanes IV matapos niyang ibunyag na si dating DPWH Undersecretary Catalina Cabral umano ang nagkumpirma ng ₱51 bilyong flood control insertions na nakatalaga sa Davao City mula taong 2019 hanggang 2022.
“Si Usec. Cabral mismo ang nag-confirm na may ₱51 billion insertions sa Davao City. Isa ito sa pinakamalaking anomalya sa flood control. Alam naman natin pagtao ni Cong. Pulong, possibling sangkot siya dito” -Antonio “Sonny” Trillanes IV
Ayon kay Trillanes, ang naturang halagang bilyon-bilyon ay direktang konektado umano sa distrito ni Cong. Paolo “Pulong” Duterte, at dahil dito, posibleng ito raw ang naglagay sa peligro sa buhay ni Usec. Cabral.
Isa sa pinaka-kontrobersyal na pahayag ni Trillanes ay ang posibleng ugnayan ng insertions sa biglaang pagkamatay ni Usec. Cabral. Tahasang sinabi ng dating senador na hindi siya kumbinsidong wala lang ang timing ng pagkamatay ni Cabral.
Pinunto rin niya na dapat protektahan ang mga whistleblowers at critical witnesses sa malalaking kaso ng korapsyon dahil kadalasan, sila ang nalalagay sa panganib.
Ang pagsabog ng bagong impormasyon mula kay Trillanes ay muling nagbigay-siklab sa usapin ng korapsyon, insertions, at flood control anomalies sa bansa. Habang patuloy na umaandar ang imbestigasyon, mas nagiging malinaw na kailangan ng masusing pagbusisi sa mga dokumento, pansamantalang proteksyon para sa mga testigo, at transparent na paglilitis.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento