Advertisement

Responsive Advertisement

"PADAMI NANG PADAMI ANG KORAPSYON SA ADMINISTASYONG ITO" BAYANI AGBAYANI HINIMOK ANG KONGRESO KAILANGAN NG IBALIK ANG DEATH PENALTY

Linggo, Disyembre 21, 2025

 



Nagpaulan ng matitinding salita at panawagan ang komedyanteng si Bayani Agbayani laban sa lumalalang korapsyon sa ilalim ng Marcos administration. Ayon sa kanya, “sumusobra na, at padami nang padami ang mga kanid, suwapang at makakapal ang mukha na nangungurakot.”


“Kung sino man ang government official na magnakaw kahit piso sa kaban ng bayan, bitay ang hatol! Sobra na ang kanid, suwapang at kapal ng mukha. Padami nang padami ang korapsyon sa administrasyong ito kaya kailangan na natin ng batas na magbibigay ng tunay na takot sa mga magnanakaw.” -Bayani Agbayani 


Hindi na raw sapat ang sermon at parusa na tila bale-wala lamang sa mga opisyal na nagtatago sa likod ng kapangyarihan. Panahon na raw para kumilos ang Kongreso at magpasa ng batas na tunay na magpaparusa sa mga tiwali.


Hindi nagpaligoy-ligoy si Bayani. Diretsahan niyang sinabi na tila nagiging “open season” ang pagnanakaw sa pondo ng bayan. Para kay Bayani, malinaw na may malaking problema sa loob ng gobyerno at panahon nang putulin ito sa pinakaugat.


Sa gitna ng pagdami ng kaso ng korapsyon, nanawagan si Bayani na ibalik ang death penalty hindi para sa ordinaryong krimen, kundi para sa mga opisyal ng gobyerno na magnanakaw ng kahit isang piso mula sa kaban ng bayan. Suportado ni Bayani ang pagbalik ng capital punishment bilang “ultimate deterrent” laban sa ganitong uri ng krimen.


Ang panawagan ni Bayani Agbayani ay umaalingawngaw sa damdamin ng marami sawa na sa paulit-ulit na korapsyon at desperado na para sa tunay na pagbabago. Bagama’t kontrobersyal ang death penalty, malinaw ang punto ni Bayani na kung hindi matatakot ang mga nasa pwesto, hindi hihinto ang pagnanakaw.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento