Advertisement

Responsive Advertisement

“KANINO PA TAYO MAGTITIWALA KUNG MISMONG GOBYERNO NATIN ANG HINDI KAPANI-PANIWALA?” VICE GANDA KINUWESTIYON ANG LIDERATO NI PANGULONG MARCOS

Linggo, Disyembre 21, 2025

 



Naglabas ng matapang at diretsahang pagkadismaya ang komedyante at TV host na Vice Ganda laban sa Marcos administration. Hindi na raw niya mapigilang magsalita sa harap ng sunod-sunod na isyu ng korapsyon, flood control scandal, ghost projects, at mga kwestyunableng aksyon ng pamahalaan.


“Kanino pa tayo magtitiwala kung mismong gobyerno ang hindi kapani-paniwala? Sangkot sa katiwalian, puro iskandalo, at mismong presidente kwestiyonable. Hindi na tama ito.” -Vice Ganda 


Sa isang pribadong panayam, sinabi ni Vice Ganda na hindi raw biro na ang mismong gobyerno na dapat nagtatanggol at naglilingkod sa taongbayan  ay siya pang hindi kapani-paniwala.


Ayon kay Vice Ganda, matagal nang bumulwak ang tiwala ng publiko sa gobyerno ngunit lalo itong lumalala dahil sa mga eskandalo ngayon. Hindi raw siya nagsasalita bilang artista, kundi bilang isang Pilipinong pagod na sa paulit-ulit na abuso at panlilinlang.


Ang pahayag ni Vice Ganda ay hindi lamang opinyon ng isang artista, ito ay boses ng maraming Pilipinong sawa na sa korapsyon, pagnanakaw, at kawalan ng pananagutan. Sa mga nangyayaring iskandalo at kontrobersya, lalong lumalakas ang panawagan para sa transparency, honesty, at tunay na liderato.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento