Advertisement

Responsive Advertisement

"HANDA AKONG HUMALILI AT MAGSILBI PARA SA BAYAN" VP SARA DUTERTE HANDA MAGING PRESIDENTE KUNG SAKALI MAGKAROON NG KUDETA SA MARCOS ADMINISTRATION

Linggo, Disyembre 21, 2025

 



Naglabas ng matapang pahayag si Vice President Sara Duterte matapos kumalat ang usap-usapang may mga bantang kudeta laban sa Marcos administration. Ayon sa Bise Presidente, handa siyang tumayo bilang lider ng bansa kung sakaling magkaroon ng political instability o mawalan ng kakayahan ang Pangulo na gampanan ang kanyang tungkulin.


“Hindi ako natatakot. Kung may kudeta o anumang banta sa bansa, handa akong pumalit at magsilbi. Kung gumuho ang pamahalaan, may taong handang sumalo para sa bayan, handa akong isakripisyo ang buhay ko.” -Vice President Sara Duterte 


Hindi raw dapat pagdudahan ang kanyang kapasidad at kahandaan aniya, kung ang bayan ang nangangailangan, hindi siya uurong.


Ayon kay VP Sara, hindi siya nagsasalita dahil ambisyoso siyang umupo bilang Pangulo, kundi dahil responsibilidad niya ito bilang pangalawang pinuno ng bansa. Dugtong pa niya, ang sinumang nakapuwesto sa gobyerno ay dapat laging handa at may tapang sa anumang krisis.


Ang ilan ay nagsasabing mayabang at agresibo ang pahayag ni VP Sara, habang ang iba naman ay naniniwalang tama lang na may malinaw na contingency plan ang pamahalaan sakaling magkaroon ng kaguluhan. Pero para kay VP Sara, hindi ito tungkol sa ambisyon kundi tungkulin.


Ang matapang na pahayag ni VP Sara Duterte ay malinaw na indikasyon na handa siyang gampanan ang pinakamataas na posisyon sa sandaling kailanganin ito ng bansa. Sa gitna ng lumalalang tensyon sa gobyerno at sigalot sa politika, ang mensahe niya ay simple:


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento