Nagpasa si Senator Erwin Tulfo ng isang panukalang batas na layuning isama sa kurikulum ng mga paaralan ang mas malalim na pagtalakay tungkol sa West Philippine Sea (WPS) mula sa kasaysayan, karapatan ng Pilipinas, hanggang sa patuloy na agresyon ng China.
“Habang bata pa sila, ituro na natin kung gaano kalupit ang ginagawa ng mga Chinese sa atin at kung gaano katapang ang Pilipino na lumaban para sa ating West Philippine Sea.” -Senator Erwin Tulfo
Ayon sa senador, panahon na para mahubog ang kabataan sa tunay na nangyayari sa karagatan na pag-aari ng Pilipinas upang lumaki silang may tapang, kaalaman, at pagmamahal sa bayan.
Iginiit ni Sen. Tulfo na hindi dapat manatiling tahimik ang bansa sa patuloy na paglalapastangan ng China sa ating teritoryo. Aniya, kung may dapat unang maliwanagan, hindi politiko, hindi militar, kundi ang kabataan.
Para sa senador, hindi ito simpleng pagtuturo kundi paghahanda sa susunod na henerasyong magiging tagapagmana ng laban para sa WPS, Mahalaga raw na ang mga bata ay hindi lumaki sa dilim kundi sa katotohanan.
Ang panukalang batas ni Sen. Erwin Tulfo ay malinaw na hakbang para palakasin ang pambansang identidad at kamalayang pan-teritoryo ng kabataan. Sa gitna ng patuloy na tensyon sa West Philippine Sea, ang edukasyon ang pinakamabisang sandatang puwedeng ipamana sa susunod na henerasyon.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento