Advertisement

Responsive Advertisement

“DIYOS KO HINDI NIYA YAN TRABAHO, BAKA BUKAS LOTTO RESULT I-AANUNSYO NA RIN?” TED FAILON PINUNA ANG PAGIGING REPORTER NI PANGULONG MARCOS

Linggo, Disyembre 21, 2025

 



Binatikos ng beteranong brodkaster na si Ted Failon ang desisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na personal na ianunsyo ang calamity loan program ng Social Security System (SSS). Ayon kay Failon, hindi ito gawain ng Pangulo at bumababa raw ang antas ng presidential announcements dahil sa ganitong estilo.


"Diyos ko hindi niya yan trabaho, ultimo calamity loan ng SSS, Presidente pa ang nag-aanunsyo? baka pati resulta ng lotto, Presidente na rin ang mag-aanunsyo bukas” -Ted Failon 


Sa kanyang radio program, mariing sinabi ni Failon na matagal nang umiiral ang SSS calamity loan at regular itong binubuksan para sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity kahit noong mga nakaraang administrasyon.


Iginiit niya na may sariling mga opisyal at tagapagsalita ang SSS na dapat gumagawa ng ganitong announcement, hindi ang mismong Pangulo ng bansa. Nagpahayag ng pag-aalala si Failon na kung magpapatuloy ang ganitong gawain, baka pati simpleng abiso ay manggaling pa mismo sa Pangulo, na para bang wala nang tamang delineation ng roles sa gobyerno.


Ang puna ni Ted Failon ay naglalayong ipaalala ang tamang limitasyon at dignidad ng Office of the President. Para sa kanya, hindi dapat maging “tagapagbalita ng regular updates” ang Pangulo, lalo na kung may mga ahensiya namang dapat gumaganap ng tungkuling iyon.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento