Advertisement

Responsive Advertisement

“KUNG TOTOONG MAY KASALANAN AKO, NGAYON PA LANG NAKAKULONG NA AKO” VP SARA DUTERTE HINDI NAKAPAGPIGIL HINAMON ANG MALACAÑANG

Linggo, Disyembre 21, 2025

 



Sa isang matapang na panayam, hindi nagpigil si Vice President Sara Duterte nang hamunin niya mismo ang Marcos administration. 


“kung totoong may kasalanan ako, dapat ngayon pa lang nakakulong na ako, actually inaantay ko na lang kung kailan nila ako ikukulong. Apparently, hindi nila magawa kasi wala talaga akong kasalanan.” -Vice President Sara Duterte


Direkta niyang sinabi na hanggang ngayon ay hindi siya inaaresto o kinakasuhan dahil malinaw umanong wala siyang ginawang iligal. 


Sa kabila ng sunod-sunod na akusasyon, pag-atake, at pag-uugnay sa kanya sa iba’t ibang isyu, nanindigan ang Bise Presidente na malinis ang kanyang konsensya at kaya niyang harapin kahit anong imbestigasyon basta patas at hindi politically motivated.


Ang pahayag ni VP Sara Duterte ay nagmarka bilang isa sa pinakamatapang niyang direktang hamon laban sa administrasyon. Sa panahong lumalakas ang political tension, malinaw na hindi siya umurong bagkus ay hinaharap niya ang kontrobersiya nang walang pag-aalinlangan.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento