Advertisement

Responsive Advertisement

"TAOS-PUSO AKONG NAGPAPASALAMAT SA TIWALANG IBINIBIGAY NG TAUMBAYAN" VP SARA NANGUNA SA TRUST SURVEY MAS PINAGTITIWALAAN PA KAYSA KAYSA SA PANGULO

Linggo, Disyembre 21, 2025

 



Lumabas sa pinakahuling PAHAYAG End of the Year Survey ng Publicus Asia, Inc. na si Vice President Sara Duterte pa rin ang Most Trusted National Leader ng bansa. Sa kabila ng matitinding intriga at kontrobersiya, nananatili siyang may pinakamataas na approval at trust rating, malayo sa nakuha ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr.


“Hindi ko hinahanap ang papuri, pero taos-puso akong nagpapasalamat sa tiwalang ibinibigay ng taumbayan. Ang tiwalang ito ay hindi ko aaksayahin, at patuloy akong maglilingkod nang may tapang at katapatan.” -Vice President Sara Duterte 


Ayon sa resulta, nagpakita ng malinaw na mensahe ang publiko: mas kampante sila sa pamumuno, paninindigan, at diretsahang estilo ni VP Sara Duterte kumpara sa Pangulo.


Maging ang ibang opisyal tulad ni Senate President Tito Sotto (15%) ay nakakuha rin ng mababang rating, habang si House Speaker Bojie Dy (8%) ang pinakamababa sa lahat.


Malinaw sa survey na nangungulelat ang ilang top officials, habang si VP Sara naman ay patuloy na umaangat sa pagtitiwala ng taumbayan.


Ang resulta ng PAHAYAG survey ay malinaw na indikasyon na iba ang pulso ng taumbayan sa nakaraang buwan ng taon. Habang bumabagsak ang ratings ng Pangulo, si VP Sara Duterte ay nananatiling matatag at mataas ang kredibilidad sa mata ng publiko.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento