Viral ngayon undas ang isang larawan na kuha sa House of Many Mansions Memorial Chapels sa Angeles City, Pampanga, kung saan makikita ang isang staff na nagkakabit ng pangalan nina Zaldy Co at Martin Romualdez sa harapan ng chapel facade.
Bagaman walang paliwanag ang video kung ano ang tunay na layunin sa likod ng naturang signage, mabilis itong umani ng atensyon mula sa mga netizens, lalo na’t ang mga pangalang nakasulat ay kilalang mga personalidad sa politika, sina Ako Bicol Representative Zaldy Co at Leyte 1st District Representative Martin Romualdez, na kasalukuyang House Speaker.
Maraming netizens ang nagpahayag ng pag-unawa at simpatya sa chapel staff, na ayon sa kanila ay marahil sumasalamin lamang sa sama ng loob ng karaniwang Pilipino sa patuloy na isyung kinakaharap ng bansa korapsyon, kawalan ng hustisya, at pang-aabuso ng kapangyarihan.
“Hindi mo masisisi ang tao. Maraming Pilipino ang sawang-sawa na sa paulit-ulit na pangyayari ang mahirap lalong naghihirap, samantalang ang makapangyarihan ay tila walang pananagutan,” ani ng isang netizen sa comment section.
Habang wala pang opisyal na pahayag ang pamunuan ng memorial chapel, patuloy namang nagiging sentro ng diskusyon online ang video. Para sa ilan, ito raw ay isang simbolo ng matinding pagkadismaya ng mamamayan sa mga isyung hindi pa rin nareresolba hanggang ngayon.
“Hindi ko naman layuning manira, pero minsan kailangan mong ipakita sa paraang mararamdaman ng tao ang saloobin mo. Araw-araw, naririnig natin ang korapsyon, pero walang nakakulong. Gusto ko lang iparating sana maramdaman nila ang sakit at galit ng taong bayan.” - Chapel Staff, Angeles City, Pampanga
Ang insidente sa House of Many Mansions Memorial Chapels ay hindi lamang basta viral video, ito ay sumasalamin sa hinanakit ng karaniwang Pilipino. Sa gitna ng mga alegasyon ng katiwalian at kawalan ng hustisya, ang simpleng kilos ng isang manggagawa ay nagmistulang boses ng mamamayan na pagod na sa paulit-ulit na pang-aabuso ng mga nasa kapangyarihan.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento