Isang nakakatuwang pangyayari ang nagpasaya sa mga tao sa isang fashion event sa Mocorito, Mexico, matapos biglang sumulpot sa catwalk ang isang aso na pinangalanang “Coco.”
Habang abala ang mga modelo sa pagrampa, laking gulat ng mga manonood nang makita nilang sumama si Coco sa runway na para bang isa rin siyang bahagi ng palabas. Sa bawat hakbang niya, tila alam niya ang kanyang ginagawa, naglalakad nang may kumpiyansa, umiikot pa, at tumigil sandali na parang tunay na modelo.
“Si Coco talaga ay mahilig sa atensyon. Kahit dati pa, kapag may event dito sa amin, gusto niyang makisali. Pero hindi ko inasahan na aakyat siya mismo sa catwalk! Nakakatuwa dahil kahit simpleng aso, napasaya niya ang napakaraming tao.” - Maria Lopez, Amo ni Coco
Hindi napigilan ng mga tao ang tumawa, humiyaw, at pumalakpak, dahil sa ka-cutan at kakulitan ng aso. Ayon sa mga nakasaksi, tila ramdam ni Coco ang energy ng mga tao at mas lalo pa itong ginanahan na magpacute at magpasikat.
Ang video ni Coco ay agad naging viral sa social media, umani ng libu-libong views at positibong reaksyon mula sa mga netizens sa iba’t ibang panig ng mundo. Marami ang nagsabi na ang simpleng eksenang iyon ay nakapagbigay ngiti at saya, sa panahong maraming tao ang stress at pagod sa mga nangyayari sa paligid.
“Hindi ko mapigilan matawa at ma-touch. Parang alam ni Coco na kailangan namin ng konting kasiyahan. Ang cute niya at confident!” ayon sa isang netizen na nakapanood ng video.niyang makisali
Ang kwento ni Coco, ang viral dog mula sa Mexico, ay isang patunay na minsan, ang saya at inspirasyon ay nanggagaling sa mga hindi inaasahang sandali. Sa isang simpleng fashion event, nagdala si Coco ng ngiti at tawanan, isang paalala na hindi kailangan maging tao para makapagpasaya ng kapwa.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento