Muling pinatunayan ni Apl.De.Ap ang world-renowned Filipino member ng Black Eyed Peas na hindi lang siya bida sa musika, kundi pati sa pagtulong sa kalikasan at kabuhayan ng mga Pilipino.
Kamakailan, inilunsad ni Apl.De.Ap ang kanyang “100 Million Coconut Trees Project” sa Laguna, bilang unang hakbang sa isang malawakang adbokasiya para labanan ang soil degradation o ang pagkasira ng lupa.
Ayon kay Apl, matagal na niyang pangarap ang makapag-ambag sa kalikasan at agrikultura, bagay na malapit sa kanyang puso dahil lumaki siya sa Pampanga na kasama ang kanyang lolo sa pagsasaka.
“During the pandemic, I learned that coconuts can help restore soil quality. So I thought, why not plant millions of them and help both nature and farmers?” kwento ni Apl.
Ang Laguna ang pilot site ng proyekto, ngunit ayon kay Apl, plano niyang palawakin ito sa buong bansa sa tulong ng mga kooperatiba (coops), LGUs, at mga lokal na magsasaka.
“Beginning of next year, I’m hoping to start the whole project, working with coops and LGUs and farmers,” ani Apl.De.Ap. “We gotta figure it out, that’s why we’re doing the pilot here so that it’s easier.”
Ang “100 Million Coconut Trees Project” ni Apl.De.Ap ay isang makabuluhang hakbang para sa mas luntiang at mas maunlad na Pilipinas. Sa halip na limitahan ang sarili sa larangan ng musika, ginamit niya ang kanyang tagumpay, koneksyon, at impluwensya upang ibalik ang biyaya sa kanyang bayan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento