Muling pinatunayan ni Kathryn Bernardo at ng kanyang ina na si Mommy Min Bernardo na hindi lang sila mabuting artista at mag-ina, kundi tunay na may malasakit sa kapwa.
Matapos yanigin ng lindol ang Bogo City, Cebu agad na nagpadala ng relief goods si Kathryn at Mommy Min para sa mga pamilyang labis na naapektuhan ng sakuna.
Sa kanilang adbokasiyang tinawag na “BAYANIHAN FOR CEBU,” nagpasalamat si Mommy Min sa mga kaibigan, brand partners, at fans na tumulong upang maisagawa ang relief operation.
“Our heartfelt thanks to our dear friends, brand partners, fans, and supporters of Kath for coming together in our own little way to promote Bayanihan during this time of need,” ani Mommy Min sa kanyang Instagram post.
Dagdag pa niya, maraming pamilya ang nawalan ng tahanan, kabuhayan, at mahal sa buhay dahil sa lindol. Pinuri rin niya ang katatagan ng mga taga-Cebu sa kabila ng paulit-ulit na pagyanig.
“Our kababayans in Cebu have been deeply affected by the recent earthquake many have lost their livelihood, homes, and even loved ones. It’s truly heartbreaking to see their suffering,” dagdag pa ni Mommy Min.
Sa mensaheng puno ng pag-asa, hinikayat nina Kathryn at Mommy Min ang publiko na magbigay tulong kahit sa maliit na paraan. Para sa kanila, ang kabutihan ay hindi nasusukat sa halaga, kundi sa puso ng pagtulong.
“We appeal to everyone: let’s continue to help in any way we can no matter how small. Every act of kindness makes a difference. Together, let’s bring hope, comfort, and strength to our fellow Filipinos in Cebu,” panawagan ni Mommy Min.
Ang ginawa nina Kathryn Bernardo at Mommy Min Bernardo ay patunay na ang kabutihan at malasakit sa kapwa ay walang pinipiling oras o lugar. Sa gitna ng trahedya, pinili nilang kumilos at magbigay ng pag-asa sa mga kababayang lubos na nangangailangan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento