Advertisement

Responsive Advertisement

"WALA PA SA AKIN ANG LISTAHAN PERO POSSIBLE KASAMA SIYA" OMBUDSMAN REMULLA HINDI PA SIGURADO KUNG KASAMA SI ZALDY CO SA MGA MAKAKASUHAN

Sabado, Oktubre 25, 2025

 



Matapos ang ilang linggong imbestigasyon, kinumpirma ni Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla na ilang mga kongresista at posibleng kabilang dito si dating mambabatas Zaldy Co, ang maaaaring makasuhan kaugnay ng malakihang flood control scandal sa loob ng susunod na 30 araw.


“Wala pa sa akin ang listahan eh, pero marami po. Maraming nakalagay ro’n na kakasuhan natin. Mayroong mga congressman na kasama. Senators, hindi pa ako sigurado kung nandoon na,” pahayag ni Remulla.


Sa isang panayam nitong Biyernes, inihayag ni Remulla na nasa final stage na ang pagsusuri ng Ombudsman sa mga dokumento at ebidensyang may kaugnayan sa kickback scheme sa mga proyektong pang-flood control na nagkakahalaga ng daan-daang milyong piso.


Ayon sa Ombudsman, malaki ang posibilidad na kasama si dating Congressman Zaldy Co sa mga isasampang kaso pero hindi pa ito nasisiguro. Si Co ay dati nang nasangkot sa ilang isyu ng kickbacks at ghost projects kaugnay ng mga flood control initiatives sa ilang probinsya, kabilang ang Mindoro, na aniya’y kabilang sa mga kasong inihain sa kanilang opisina.


Kasabay nito, tiniyak ng Ombudsman na kung sakaling masampahan ng kaso si Co o ang sinumang mambabatas, agad nilang ipapacancel ang kanilang passport upang maiwasan ang pagtakbo palabas ng bansa habang patuloy ang proseso ng hustisya. Ayon kay Remulla, ang imbestigasyon ay bahagi ng mas malawak na kampanya laban sa katiwalian sa mga ahensiyang sangkot sa paggamit ng pondo para sa imprastraktura. Layunin umano nitong managot ang lahat ng sangkot, anuman ang posisyon o koneksyon nila sa politika.


Ang pahayag ni Ombudsman Remulla ay malinaw na pahiwatig ng mas pinaigting na kampanya laban sa katiwalian sa gobyerno. Kung maisasakatuparan ang pagsasampa ng kaso sa mga sangkot sa flood control anomaly, ito ay magiging malaking hakbang tungo sa pagpapanagot ng mga makapangyarihang opisyal na matagal nang nakakawala sa batas.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento