Isang makabuluhan at makatotohanang payo ang ibinahagi ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera para sa lahat ng nasa relasyon ngayon.
Sa isang viral post, pinaalalahanan ng aktres ang mga may karelasyon na maging tapat, maingat, at marunong rumespeto sa damdamin ng kanilang partner.
Ayon kay Marian, ang pagiging loyal ay hindi lang tungkol sa hindi pagtataksil, kundi pati sa pagpili ng tamang kilos at pakikitungo sa ibang tao na maaaring magdulot ng problema sa relasyon.
“Kapag in relationship ka na. ‘Wag ka ng lumandi, iwasan mo na rin makisama sa taong alam mong posibleng maging dahilan ng ikakasira ng relasyon ninyo.
Know your boundaries, priorities your partner’s feelings,” -Marian Rivera.
Hindi na bago kay Marian ang magbahagi ng mga real-life relationship advice, lalo’t kilala siya sa matatag na relasyon nila ni Dingdong Dantes. Bilang asawa at ina, alam ni Marian kung gaano kahalaga ang tiwala, respeto, at komunikasyon sa isang relasyon.
Marami ang humanga sa kanyang diretsong pananalita, at tinawag siyang “goals” pagdating sa love and marriage.
Ang payo ni Marian ay isang malakas na paalala sa lahat ng nasa relasyon na ang tunay na pagmamahal ay may kasamang disiplina. Hindi kailangan ng grand gestures o regalo, kundi ang simpleng paggalang sa damdamin ng iyong partner at ang kakayahang umiwas sa tukso.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento