Mainit na usap-usapan ngayon sa social media lalo na sa mga BatangueƱo Facebook groups ang diumano’y getaway nina Kathryn Bernardo at Lucena Mayor Mark Alcala sa isang exclusive resort sa Batangas.
Ayon sa mga post na kumalat online, nag-stay daw ang dalawa sa isang private retreat resort, ngunit nagulat umano si Mayor Alcala nang mabalitaang kumalat ang impormasyon sa mga lokal na chat groups.
Sa panig umano ni Mayor Mark Alcala, labis ang kanyang pagkadismaya sa paglabas ng impormasyon. Ayon sa isang malapit sa kanya, hindi ito isyu ng relasyon, kundi usapin ng respeto at privacy.
“Hindi ko naman ipinagbabawal sa mga tao ang mag-post, pero sana naman may respeto rin sa pribadong buhay ng iba.
Dahil dito, kinontak muli ni Mayor Alcala ang owner ng resort at ipinahayag ang kainis at pagkadesmaya sa nangyaring leak, lalo’t ang kanilang bakasyon ay dapat manatiling pribado at hindi para sa publiko.
May ilan pang nagsabing nakita silang magkasama sa isang exclusive area, ngunit wala namang malinaw na ebidensya o litrato na nagpapatunay.
Ang isyu ay lalo pang lumaki matapos i-leak ang pangalan ng resort, dahilan upang magsimula ng diskusyon sa social media tungkol sa karapatan sa privacy ng mga kilalang personalidad at opisyal ng gobyerno.
Ang isyu sa umano’y getaway nina Kathryn Bernardo at Mayor Mark Alcala ay patunay na mahirap itago ang pribadong sandali sa mundo ng social media.
Ngunit higit sa tsismis, ito ay paalala sa publiko na ang respeto sa privacy ay mahalaga, lalo na kung walang sapat na ebidensya para gumawa ng haka-haka.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento